Ilang kasunduan pipirmahan sa pagbisita ni PBBM sa China

197 Views

ILANG business agreement umano ang lalagdaan sa pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa China sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary for Asian and Pacific Affairs Nathaniel Imperial layunin ng mga kasunduan na lalo pang mapalakas ang ugnayan ng Pilipinas at China.

Sinabi ni Imperial na interesado ang mga negosyanteng Chinese sa sektor ng agrikultura, renewable energy, at nickel processing.

“China imports 70 percent of its nickel ore and concentrates requirements from the Philippines. So there’s a lot of potential in those sectors,” sabi ni Imperial.

Kasama umano sa pipirmahang kasunduan ang import agreement ng durian at ang posibleng pamumuhuan sa mga durian producing province.

Upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan sa isyu ng West Philippine Sea, nagkasundo ang dalawang bansa na panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon sa pagitan ng kani-kanilang foreign minister.

Plano rin umanong ipagpatuloy ng administrasyong Marcos ang paglahok sa Belt and Road Initiative ng China na makatutulong sa infrastructure program ng Marcos administration.

Nasa plano rin ang paglagda sa isang memorandum of understanding (MOU) para sa digital cooperation at tourism cooperation.