Phivolcs

Ilocos niyanig ng magnitude 4.2 lindol

Jun I Legaspi Mar 18, 2022
246 Views

ISANG lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang yumanig sa Ilocos Biyernes ng umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-10:26 a.m..

Ang epicenter nito ay 18 kilometro sa kanluran ng San Esteban, Ilocos Sur at may lalim na 23 kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na instrumental Intensity:

Intensity III – Vigan City, Ilocos Sur

Intensity II – Sinait, Ilocos Sur

Intensity I – Pasuquin, Ilocos Norte