Calendar
Iloilo nakahabol, nakabawi sa Imus
NAKABAWI ang Iloilo United Royals sa tulong ng mahusay na mga laro nina Shaquille Imperial at tatlong iba pang players upang biguin ang Imus Agimat VA Drones, 95-82, sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Calasiao Sports Complex sa Pangasinan.
Pinangunahan nina Imperial, Chris Doliguez, CJ Cansino at homegrown Mark Nonoy ang atake ng Iloilo, na bumangon mula 37-45 deficit upang agawin ang kalamangan, 64-59, matapos ang three quarters.
Si Imperial ay nagtala ng 20 points, seven rebounds at seven assists para sa Iloilo, itinaaas pa ang kanilang record sa 3-8 win-loss.
Si Doliguez ay may 19 points at six rebounds, si Nonoy ay 17 points, five assists at four rebounds, at si Cansino ay may 16 points at five rebounds.
Ang Imus, na nanatiling walang panalo sa 11 laro, ay nakakuha ng 26 points, 11 rebounds at four assists mula kay Luis Gaveriel Tapenio; 12 points mula kay Mikko Gimpayan; at 11 points mula kay Junar Punzalan.
Inanunsyo ni MPBL Commissioner Kenneth Durmedes na magpapatuloy ang aksyonsa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Tatampukan ito ng mga maro nr Mindoro at Caloocan simula 4 p.m., Negros att Quezon sa 6 p.m. at home team Pampanga at Sarangani sa 8 p.m.
The scores:
Iloilo (95) – Imperial 20, Doliguez 19, Nonoy 17, Casino 16, Rangel 7, Catapusan 5, Berjay 3, Credo 3, Madrigal 2, Diaz 2, Javelosa 1, Kapunan 0, De La Rosa 0, Capacio 0, Gomez 0.
Imus (82) – Tapenio 26, Gimpayan 12, Punzalan 11, Gonzales 8, Sumido 6, Enriquez 5, Camacho 5, Nicodemus 3, Kadir 2, Malimban 2, Luengo 1, Aniban 1, Nacino 0, Paraiso 0, Steinl 0.
Quarterscores: 25-17, 37-45, 64-59, 95-82.