Hon. Valeriano

Imbestigasyon ng Kamara laban sa BFAR sinusuportahan ni Valeriano

Mar Rodriguez Jun 10, 2024
108 Views

𝗞𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗻𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗴 𝗶𝗺𝗯𝗲𝘀𝘁𝗶𝗴𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗱𝗲 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝗻𝘁𝗲𝘀 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗕𝘂𝗿𝗲𝗮𝘂 𝗼𝗳 𝗙𝗶𝘀𝗵𝗲𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗾𝘂𝗮𝘁𝗶𝗰 𝗥𝗲𝘀𝗼𝘂𝗿𝗰𝗲𝘀 (𝗕𝗙𝗔𝗥) 𝗽𝗮𝘁𝘂𝗻𝗴𝗸𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝗯𝗼 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘁𝘂𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗵𝗲𝗻𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴𝗶𝘀𝗱𝗮 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝗻𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗯𝘂-𝗯𝘂𝗹𝗹𝘆 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗖𝗵𝗶𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗴𝘂𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗻𝗴𝗸𝗮 𝗮𝘁 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗽𝗼𝗿𝘁𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴𝗶𝘀𝗱𝗮 𝘀𝗮 𝗪𝗲𝘀𝘁 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲 𝗦𝗲𝗮 (𝗪𝗣𝗦).

Nauna rito, nananawagan si House Assistant Majority Leader at Zambales 1st Dist. Cong. Jefferson Khonghun sa Kongreso para magsagawa ito ng masusing pagsisiyasat laban sa BFAR dahil sa kanilang kabiguan na magkaloob ng nararapat na tulong para sa mga mangingisda sa WPS na patuloy na nakakaranas ng panggigipit mula sa tauhan ng Chinese Coast Guard (CCG).

Dahil dito, sinabi ni Valeriano na ang isasagawang Congressional hearing ay katugunan ng Kamara sa dumaraming reklamo ng fishing community kaugnay sa kakarampot na tulong na nakukuha nila mula sa BFAR sa kabila ng sunod-sunod na panggigipit na ginagawa sa kanila ng China.

Ayon kay Valeriano, napakahalagang malaman mula sa pamunuan ng BFAR kung bakit mistula silang “nagte-tengang kawali” o nagsasawalang kibo sa gitna ng patuloy na pangbu-bully ng China sa mga Pilipinong mangingisda sa WPS.

Bukod dito, binigyang diin pa ni Valeriano na ang problemang ito ay lalo pang pinatindi ng kawalan ng suporta o tulong mula sa BFAR gayong kailangan na kailangan ng mga mangingisda ng kanilang tulong para mapanatili ang kanilang kabuhayan.

Dahil dito, sabi pa ng kongresista na mahalagang makabuo ang Kongreso ng sulusyon kaugnay sa naging kakulangan ng BFAR sapagkat karapat dapat aniyang mabigyan ng kaukulang suporta ang mga mangingisda na ang tanging layunin lamang ay makapag-hanap buhay ng matiwasay sa WPS.

Idinagdag pa ni Valeriano na sa kabila ng malaking budget na inilalaan ng gobyerno para sa BFAR. Hindi parin nito nagagawa ng maayos ang kanilang trabaho na mapangalagaan ang interes ng mga maliliit na magsasaka at mistulang hinahayaan lamang nila na dumanas ng panggigipit ang mga mangingisda sa kamay ng China.