Calendar
Immigration clearance na lang hinihintay para makauwi 248 OFWs mula Lebanon
HIHINHINTAY na lamang ng Palasyo ng Malakanyang ang clearance mula sa immigration para makauwi na sa Pililinas ang 248 overseas Filipino sa Lebanon.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez, tinutulungan na ni Migrant Workers Secretaey Leo Cacdac ang nga Filipino na maiproseso ang clearance para makabalik ng bansa sa lalong madaling panahon.
“I assured the President that all Filipino workers who have voluntarily asked to be repatriated are properly assisted through sheltering and safe repatriation,” bahagi ng mensahe ni Cacdac kay Chavez.
“The President gave instructions to continue to help and protect Filipinos in Lebanon, and ensure reintegration through employment and the availability of alternative job markets for OFWs who are repatriated as a result of the ongoing Middle East crisis,” dagdag ni Cacdac.
Matatandaan na noong Oktubre 26, nasa 290 overseas Filipinos ang umuwi sa bansa sa pamamagitan ng Philippine government-chartered flight.