Adiong Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong

Impeachment laban kay VP Duterte usapin ng pananagutan sa taumbayan – Rep. Adiong

16 Views

IGINIIT ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur na ang impeachment case na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte ay usapin ng pananagutan at hustisya.

Ginawa ni Adiong ang pahayag bilang tugon sa WR Numero survey na nagsasaad na 47 porsiyento ng mga Pilipino ang tutol sa impeachment.

Ayon kay Adiong, ang impeachment ay hindi labanang pampulitika kundi isang mekanismong itinakda ng Konstitusyon upang mapanagot ang mga matataas na opisyal ng bansa.

“We acknowledge the survey results released by WR Numero regarding the impeachment case against Vice President Sara Duterte,” ani Adiong.

“However, we must emphasize that multiple independent and reputable surveys show that a clear majority of Filipinos support impeachment, underscoring the public’s strong demand for accountability and good governance,” dagdag niya.

Binigyang-diin ng kongresista na ang pagtanggi ni Duterte na ipaliwanag kung paano niya nagastos ang daan-daang milyong pisong confidential funds ay lalo lamang nagpapatibay sa pangangailangang ituloy ang impeachment trial sa Senado.

“Let’s be clear: impeachment is a solemn constitutional process based on facts, evidence, and the rule of law. The House of Representatives is fulfilling its duty to the Filipino people—panagutin ang may sala, ituwid ang mali, at ipagtanggol ang batas,” aniya.

Kinuwestiyon din niya ang kredibilidad at pamamaraan ng ilang survey na maaaring ginagamit upang baluktutin ang pananaw ng publiko.

“We also challenge the credibility and methodology of surveys that might be weaponized to manipulate public perception. Saan isinagawa? Kanino itinarget? Sino ang nagpondo?” tanong niya.

“A single survey cannot erase the growing clamor for justice and accountability. The people deserve the truth, not a numbers game designed to mislead them,” dagdag pa niya.

Ipinunto rin ni Adiong ang hiwalay na survey ng Tangere, kung saan lumabas na 73 porsiyento ng mga Pilipino ang pabor sa pagpapatuloy ng impeachment trial laban kay Duterte.

“The real question is not about surveys. Ang tanong: bakit takot humarap sa paglilitis kung walang kasalanan?” aniya.

Dagdag pa ni Adiong, ang mga nadokumentong banta ni VP Duterte laban sa Pangulo, Unang Ginang at kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay seryosong paglabag na hindi maaaring ipagwalang-bahala, lalo na’t hindi pa niya direktang sinasagot ang mga paratang laban sa kanya.

“The House of Representatives will not be swayed by propaganda or public relations tactics. Ang laban na ito ay hindi para sa pulitika—ito ay laban para sa katotohanan, hustisya, at pananagutan,” pahayag niya.

“Ang taumbayan ang tunay na hukom. At malinaw ang sigaw ng nakararami: panagutin ang nagkasala!”