Lacson

Impeachment trial tumatagal dahil sa mahahabang manifestation–Lacson

27 Views

NAGPAPATAGAL sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ang mahahabang manifestation na halos walang kaugnayan sa paglilitis, matapos lumipas ang ikaanim na araw nang walang tumestigong saksi, ayon kay Sen.-judge Panfilo “Ping” Lacson .

Sinusubok na ng ilang “obviously irrelevant” na manifestation ang pasensya ng mga sumusubaybay sa trial.

“DAY 6: A fellow senator-judge has jokingly asked me if he can move for the division of the house every time he feels annoyed by manifestations obviously irrelevant to the impeachment trial.

I told him, a motion to adjourn will elicit more applause from the equally annoyed gallery,” sinabi ni Lacson sa isang post sa X.

Walang tumestigong saksi sa pagdinig noong Miyerkules. Sa halip, nagkaroon ng mahahabang manifestation, kabilang ang mga tumalakay sa timing ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation sa multibilyong pisong sports complex sa Tarlac para sa 2019 Southeast Asian Games.

Nauna na siyang nagmungkahi na panatilihing nakahanda sa loob ng Senate premises ang mga saksing inaasahang tumestigo sa loob ng linggo upang mabawasan ang pagkaantala.

Hindi dapat maisakripisyo ang presentasyon ng ebidensya sa pagpapabilis ng paglilitis.

Kailangang magamit nang maayos ang limitadong oras ng impeachment court habang binibigyan ang prosekusyon at depensa ng pagkakataong ilahad ang kani-kanilang kaso.