Rodriguez

Implementing bill ng RBH6 pasado sa ikalawang pagbasa

213 Views

INAPRUBAHAN ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang implementing bill ng Resolution of Both Houses no. 6 na nagpapatawag ng Constitutional Convention (con-con) para maglatag ng amyenda sa Konstitusyon.

Matapos ang pagsagot ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, ang chairman ng House Committee on Constitutional Convention sa mga tanong ay nagbotohan na ang Kamara.

Sa ilalim ng House Bill 7325 o ang “Constitutional Convention Act” ay maghahalal ng delegado sa con-con ang bawat distrito sa bansa. Dalawampung porsyento naman ng mga delegado na mula sa iba’t ibang sektor ang itatalaga ng Speaker at Senate President.

Ang paghahal sa mga delegado ay isasabay sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Oktobre 30, 2023.

Ang HB 7325 ay akda nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, AKO BICOL Party-list Rep. Elizaldy Co, at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo.