Falsification

Inaresto sa 11 counts ng falsification of docs swak sa rehas

Edd Reyes Mar 16, 2025
22 Views

SWAK sa rehas ang 36-ayos na nurse sa Makati City nang masukol ng pulisya sa Sta. Mesa, Manila dahil sa kasong falsification of private documents.

Nalambat ng mga tauhan ni Makati Police Chief P/Col. Jean Dela Torre si alyas Raymond ng dakpin sa Magsaysay Boulevard sa Sta. Mesa, Manila dakong alas-3:35 ng hapon.

Sa ulat kay Southern Police District (SPD) District Director P/BGen. Manuel Abrugena, nasilo ang suspek dahil sa warrant of arrest galing kay Makati City Metropolitan Trial Court (RTC) Presiding Judge Niño Delvin Eduardo Embuscado ng Branch 66 para sa 11 counts ng kasong falsification of private documents.

Nag-impose ng P36,000 ang hukuman para sa bawa’t bilang na kaso laban sa suspek kaya may kabuuang P396,000 ang piyansa para sa pansamantala niyang paglaya.

Nakapiit ngayon sa Makati Police Station Custodial Facility ang nurse.