Calendar
Inday Sara kakayod para sa magandang kinabukasan ng mga bata
KAKAYOD si vice president-elect Sara Duterte upang makalikha ng mga skilled learners kapag naupo na ito bilang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Duterte tinanggap nito ang hamon na maging secretary ng DepEd upang matugunan na pangangailangan na maihanda ang mga susunod na henerasyon sa pagtataguyod ng kapayapaan at disiplina sa kani-kanilang komunidad.
“It was decided that I would work on producing skilled learners with the mindset to realize their full potential as individuals. Our country needs a future generation of patriotic Filipinos that advocate peace and discipline in their respective communities,” sabi ni Duterte.
Bago ang halalan, sinabi ni Duterte na nagka-usap sila ni president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaugnay ng pagnanais nito na pamunuan ang Department of National Defense.
“But seeing the way things are at the moment, I expect that people who want to see the new administration to fail will fabricate intrigues about my loyalty and the DND position to break the UniTeam,” dagdag pa ni Duterte.
Ang nais umano ng UniTeam ay maging matatag ang bansa at maging maayos ang pamamahala ng administrasyon.
Nagpasalamat din ni Duterte kay Education Sec. Leonor Briones at sa pamilya ng DepEd sa kanilang kahandaan na makausap ang ipadadala nitong transition team pagkatapos ng proklamasyon.
Kinikilala rin umano ni Duterte ang sinseridad, pagsusumikap at dedikasyon ni Briones sa pagpapatupad ng mga reporma sa edukasyon sa ilalim ng Duterte administration.