Atty. Jeff Coronel

Inday Sara Mandatory Military Service

Jeff Coronel Mar 13, 2022
441 Views
Sara
Ang tumatakbong Bise-Presidente na si Mayor Sara Z. Duterte. Kuha ni VER NOVENO

NASALANG agad sa kontrobersya ang tumatakbong Bise-Presidente na si Mayor Sara Z. Duterte matapos ang kanyang pahayag na isusulong niya ang Mandatory Military Service sakaling siya ay mahalal sa 2002. Dagdag ng vice-presidentiable na kung sakaling Manalo, gagamitin niya ang opisina ng bise president upang kausapin ang mga mambabatas at maipasa ang nasabing panukala. Ang nasabing batas ayon kay Mayor Duterte, kung maipapasa, ay mag-uutos sa mga kabataan 18 taong gulang pataas na magsilbi sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas tulad ng ipinapatud sa mga bansang South Korea at Israe. Ito ang nakikita ng alkalde na isa sa mga paraan upang isama ang mga kabataan sa pagbubuo ng bansa.

Hindi naging popular ang plano ni Mayor Duterte sa iilang mga kabataan at sa kanyang mga katunggali sa pagkabise presidente. Ito ay sinundan ng sunod-sunod na di pag sang-ayon sa social media at sa mga pahayagan. Ang usapin ng Mandatory Military Service ay napakasensitibo at nagkakaiba ang pananaw ng nakararaming botante hinggil sa isyu. Para sa mga political analyst, ang pahayag ng alkalde ay maaring makaapekto sa popularidad nito lalo na sa mga kabataang salungat sa Mandatory Military Service.

Kung susuriin, ang naging pahayag ni Mayor Sara ay nagpapakita ng totoong kalidad niya bilang lider. Ang matapang na opinyon ng vice-presidentiable tungkol sa mga sensitibong isyu sa lipunan ay nagpapakita ng political will at kawalan ng takot sa opinyon ng iba kung ang mga hakbang ay makakatulong sa Pilipinas. Ang Mayor ng Davao ay kilala sa pagiging mapatapang at unconventional pagdating sa pamumuno, na naging importanteng elemento sa patuloy na pag-angat ng Davao City at patuloy na pagpapatatag ng kumpyansa ng mga tao at pribadong sector para sa gobyerno.

Ang usapin ng Mandatory Military Service ay matagal ng bulong-bulongan ngunit maraming opisyal ang maingat tungkol dito, marahil sa takot sa mga pagsalungat ng mga botante hinggil sa kanilang paninindigan sa isyu. Maraming mga panukalang batas ang hindi naipapasa, at kahit ang pag-uusap tungol dito ay iniilagan ng maraming pulitiko, dahil sa potensyal nitong makaapekto sa kanilang popularidad.

Para sa isang bansang may mahinang sandatahang lakas at ang kakayahan ng militar ay napakiliit kumpara sa mga kalapit bansa sa ASEAN, lalo na sa mga superpowers na patuloy na gumigiit ng kanilang mga interes sa Pilipinas; ang Mandatory Military Service ay maaring maging mensahe para sa ibang bansa na ang Pilipinas ay seryoso at handing gawin ang lahat para protektahan ang kanyang soberanya.

Sa kabilang dako, ang pagpapatupad ng Mandatory Military Service ay paraan upang buohin ang nasyonalismo sa mga makabagong Filipino. Mas makikita ng bawat isa ang kahalagahan ng pagpoprotekta sa bansa at magkakaroon ng pagtaas ng antas ng pagiging responsable ng mga kabataan. Dagdag pa dito ang pagkatuto ng disiplina na magiging mahalaga para sa mga susunod na lider ng bansa.

Sa dakong timog ng bansa, kung saan ang pag re-recruit sa mga kabataan ng mga insurgent groups at terorista, ang pagpapatupad ng Mandatory Military Service ay magiging malaking balakid para sa mga recruiters na ito at mababawasan, kung hindi man tuluyang mag-aalis ng insurhensiya sa bansa.

Maaaring maraming problema din ang nakakapaloob sa usapin ng pagpapatupad ng mandatory miliart service, at kailangang tingnang maigi ang mga probisyon nito upang maprotektahan ang mga kabataan at siguradohing magiging epektibo ang programa’; subalit ang taliwas na opsyon ay mahina at pasibo. Ang Mandatory Military Service ay isang malaking hakbang na nangangailangan ng kahandaan ng nakararami lalo na ng mga kabataan, subalit ang potensyal nito ay hindi mapagkakaila.

Ang pahayag ni Mayor Duterte ay maaring hindi popular, maarining makabawas ng boto, maaring umani nga samu’t saring batikos at pagtaliwas; subalit ang tapang at intension ng mga pahayag na ito ay pumapaloob sa kalidad ng lider na kailangan ng sambayanan—matapang, sigurado, napapanahon, at may paninindigan.