Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
MO ng alleged PDF bukelya
Sep 17, 2026
Calendar
Nation
Indonesia end of the road para kay Alice Guo — Win
Chona Yu
Aug 26, 2024
586
Views
KUMPIYANSA si Senador Sherwin Gatchalian na maaaresto na sa Indonesia si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Sa ambush interview sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig sa paggunita sa Araw ng mga Bayani, sinabi ni Gatchalian na end of the road na kay Guo ang Indonesia.
“Para sa akin mahuhuli siya sa Indonesia,” pahayag ni Gatchalian.
Nakausap na ni Gatchalian ang mga ambassadors ng Association of Southeast Asian Nations sa Libingan ng mga Bayani at sinabing nakaalerto na ang kanilang hanay.
Tiyak aniyang mahihirapan nang gumalaw si Guo sa Southeast Asia.
Idinadawit si Guo sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa bansa.
Roblox nakipagtulungan na sa PH — Hontiveros
Sep 17, 2026
After BARMM elections, magkaisa na tayo–Bam
Sep 17, 2026
Goitia: Maritime awareness ng Pilipinas kailangan
Sep 17, 2026
Pondohan ang El Niño sa 2027 NIA budget—Pangilinan
Sep 17, 2026
SC review limitado sa 2/3 vote issue
Sep 16, 2026

