Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Bilihin Source: FB file photo

Inflation tinutugunan ni PBBM

Chona Yu Nov 5, 2024
240 Views

PINAGSUSUMIKAPAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na rendahan ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa.
Pahayag ito ng National Economic Development Authority matapos iulat ng Philippine Statistics Authority na bumilis ang inflation o ang paggalaw ng presyo ng mga bilihin at pumalo saa 2.3 percent noong Oktubre kumpara sa 1.9 percent noong Setyembre.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio balisacan, pasok pa rin naman sa target range na 2.0 hanggang 4.0 percent ang pinakabagong inflation.

“The government is working relentlessly to keep food available and prices steady, particularly for essential commodities. With targeted support and streamlined food supply chains, we aim to ensure that food is affordable and accessible for Filipino families, especially those most vulnerable to price shocks when disasters hit us,” pahayag ni Balisacan.

Ayon kay Balisacan, ang mga nagdaang bagyo tulad ng Kristine ang isa sa mga dahilan kung kaya naapektuhan ang food supply chain at logistics.