Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Rep. Marissa "Del Mar" P. Magsino

Insidente sa Vancouver, Canada ikinalungkot ni Magsino

Mar Rodriguez May 2, 2025
445 Views

NAGPAHAYAG ng pakikidalamhati si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” P. Magsino para sa mga Pilipino sa Vancouver, Canada kasunod ng malagim na insidente sa selebrasyon ng Lapu-Lapu Day kung saan marami ang nasawi.

Bagama’t ilang linggo na ang nakakaraan mula ng maganap ang kahindik-hindik na pangyayari, hindi pa rin pinalampas ng kongresista ang pagkakataon para magpaabot ng pakikiramay para sa pamilya ng mga nasawi na maituturing na isang malaking dagok para sa mga Pinoy na nasa ibayong dagat.

Nananawagan si Magsino para mabigyan ng katarungan ang mga biktima habang nararapat na mabigyan ng suporta ang pamilya ng mga namatay sa insidente.

Ipinaliwanag din ni Magsino na kinakailangan ng mas mahigpit na pagtitiyak ng seguridad sa mga kahalintulad na pagtitipon upang hindi na ito maulit pa sa darating na hinaharap.

“Hinihikayat din natin ang mas mahigpit na pagtiyak ng seguridad sa mga pagtitipon ng ating mga komunidad sa ibang bansa,” sabi ni Magsino.