Martin2

Interes ng PH matagumpay na naitulak ni PBBM sa ASEAN Summit

183 Views

MATAGUMPAY umanong naitulak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang interes ng bansa sa katatapos na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summits and related summits na idinaos sa Phnom Penh, Cambodia.

Ayon kay Speaker Martin G. Romualdez nagawa rin ni Marcos na mapalawak ang ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa.

“President Marcos has skilfully managed to promote our country’s national interest not only through his participation during the summit sessions but also in his interactions and exchanges with fellow leaders in ASEAN and dialogue partners,” sabi ni Romualdez na kasama ni Marcos sa halos lahat ng sesyon ng summit.

Kabilang umano sa mga nagmarkang pahayag ng Pangulo sa summit ay ang panawagan nito sa ASEAN-China summit agarang tapusin ang Code of Conduct in the South China Sea batay sa international law.

Sa kanilang maikling pag-uusap ni Marcos, sinabi ni Chinese Premier Li Keqiang na nais nito na magkatrabaho ang Pilipinas at iba pang bansa sa ASEAN sa pangangalaga sa kapayapaan at kaayusan sa South China Sea.

“The agreement between President Marcos and Premier Li to further enhance Philippine-China relations bode well for the easing of tensions in the South China Sea and for our country’s energy and food security,” sabi ni Romualdez.

Sinabi ni Li na ang pagkakatulad ng dalawang bansa ay mas matimbang kaysa sa kanilang pagkakaiba.

Sumang-ayon naman si Marcos at binigyan-diin ang kahalagahan ng ginawa ng kanyang amang si Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 1975 ng pumunta ito sa China upang simulan ang diplomatic relations ng Pilipinas at China.

“It did, but it was something very important to us… he has been proven right because the partnership with China has been a great benefit to both our countries,” saad ng Pangulo.

Sa Enero 2023 ay nakatakda namang mag-state visit si Marcos Jr. sa China.

Tumatak din umano ang hiling ni Marcos Jr. kay US President Joe Biden na gamitin ang impluwensya nito upang mabawasan ang presyo ng produktong petrolyo na lubhang nakaapekto sa mga negosyo at kabuhayan ng maraming mamamayan.

Nagkaroon din ng bilateral meeting si Marcos sa Cambodia, Vietnam, Brunei, at South Korea.

“President Marcos pushed forward the agenda for our country’s post-pandemic recovery and economic restoration and displayed a keen understanding of the dynamics of international relations,” dagdag pa ni Romualdez.