Calendar
Inton bibisita sa Torre-Young chess simul sa ERJHS
MAGIGING tampok na panauhin si dating Quezon City Majority Floor Leader Atty. Ariel Enrile-Inton sa gaganaping “Isulong Mo with GM Eugene Torre and IM Angelo Young” simultaneous exhibition chess matches sa E. Rodriguez Jr. High School sa Mayon Ave., Quezon City sa May 22.
Bukod sa kanyang serbisyo publiko, kilala si Inton sa local chess community bilang organizer ng historic Torre-GM Rogelio Antonio, Jr. Chess Road Show: The Rematch sa Quezon City nung 2008.
Ang nasabing six-game Torre-Antonio one-on-one match at ginawa sa mga historic places sa Quezon City, kabilang ang Shrine of Pugad Lawin sa Barangay Bahay Toro.
Ang ika-anim at huling laro naman ay ginawa naman sa Gateway Mall sa Araneta Center Cubao nung July, 2008.
“This is another good way to encourage the youth to get involved in sports. As we always say, make the right move and play chess,” sabi ni Inton sa kanyang mensahe sa ERJHS Alumni Sports Club.
Kapwa sasabak sina Torre at Young sa 15-board simultaneous exhibition matches laban sa mga piling students at alumni ng E. Rodriguez Jr. High School.
Ito ang ika-dalawang sunod na pagkakataon na lalaro si Torre ng simultaneous exhibition matches laban sa mga piling ERJHS students at alumni.
Una nang winalis ni Torre ang kanyang 15-board simul na itinaguyid din ng ASC sa pakikipagtulungan ng Meralco Sports Foundation sa Barangay N.S. Amoranto nung February, 2018.
Ito naman ang unang pagkakataon para kay Young, na hinirang bilang isa sa mga outstanding alumni sa first-ever Alumni Sports Hall of Fame and Scout Achievers Awards nung March, 2016.
Bago ang simul, magbibigay si IM Idel Datu ng mga chess lecture para sa ERJHS students.
Si Datu ay dating program head para chess ng Ateneo de Manila mula1996 hanggang 2015.
Nagsilbi din siya bilang head coach ng Philippine women’s team sa World Chess Olympiad sa Dresden, Germanh.
Sa kasalukuyan, si Datu ay naglalaro para sa Pasig Pirates sa Professional Chess Association of the Philippines (PCAP).
Kabilang din sa mga inanyayahan na dumalo ay sina Cong. Arjo Atayde, Councilors Joseph Juico, T.J. Calalay and Doray Delarmente at dating ERJHS Alumni Association president Jess Asistin.
Tournament director naman si Roy Madayag ng Batch 91.
Ang naturang chess exhibition ay sinusuportahsn nina Lina Torres ng Batch 62, Rey Bartolo ng Batch 81, LIzette Mariano ng Batch 93, Jubilant Advertising at Camp Pulong Gubat Wavepool Resort-Batangas.