Calendar
Intriga tutuldukan na ng Malakanyang
HINDI na magpapatumpik-tumpik pa ang Palasyo ng Malakanyang na sagutin ang mga nagpapakalat ng fake news at mahilig na mang-intriga.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Attorney Claire Castro na kokomprontahin at sasagutin na ng Palasyo ng Malakanyang ang mga nagpapakalat ng fake news.
Sa unang araw ng press briefing, naging palaban agad si Castro at iginiit na isusulong ang katotohanan.
Una rito, sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na papasok na sa diktadurya ang administrasyon ni Pangulong Marcos.
Inaakusahan din ni Duterte na ibenenta na ni Pangulong Marcos ang mga reserve golds ng gobyerno.
Bagay na pinasinungalingan ni Castro.
“Siguro ganito lang po talaga ako. When it is for the truth, ilalaban natin iyan. Hindi tayo magsasagawa ng anumang fake news. Basta kaya maalab ang damdamin natin sa pagsasalita is because we know we are fighting for the truth,” pahayag ni Castro.
“Yes, we have to fight for that, we have to fight against fake news otherwise iyong mga tao na naniniwala sa kanila maiba nag isip nila, maiba ang diskarte nila. It is our obligation specially tayo mga taga-media dapat nating iparating sa taumbayan ano ba ang katotohanan. Iwasan natin iyong mga intriga na walang basehan. As of now kasi puro intriga eh. Puro intriga ang pinapasak, pinapasok sa utak natin at nakakasira ito sa bansa, sa ekonomiya hindi po ba?” dagdag ni Castro.