Martin

Investment agreement na nilagdaan ng PH at Japan tip of the iceberg palang—Speaker Romualdez

249 Views

Ang mga investment agreement na pinasok ng Pilipinas at Japan ay maituturing na “tip of the iceberg” pa lamang, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Sinabi ni Romualdez na marami ang nangyayari sa likod ng kamera at mas malaki ang mga ito.

“But that’s only the tip of the iceberg… but there’s an offshoot of this, marami pa yan eh marami pa nangyayari off-camera, so to speak, or on the sidelines,” sabi ni Speaker Romualdez.

Ayon kay Speaker Romualdez maraming negosyanteng Pilipino ang sumama sa biyahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Japan upang maghanap ng kanilang makakatuwang sa pagnenegosyo.

Isa rin umano itong magandang indikasyon na bukas sa pagnenegosyo ang bansa at nakikita ito ng mga dayuhang mamumuhunan.

“Ang daming dumating na businesssmen dito, at nakikita ito ng mga Hapon na very, very open ang Pilipinas,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Si Speaker Romualdez ay kasama sa opisyal na delegasyon ni Pangulong Marcos. Kasama itong humaharap sa pakikipag-usap ng Pangulo sa mga opisyal ng iba’t ibang kompanya at opisyal ng Japanese government.

“These discussions really redound to the benefit of the Filipino people, through the improvement of the economy, through investments, expansions of business, explorations to new areas and fields, the clarifications of whatever issues the businessmen have brought forth,” ani Speaker Romualdez.