Martin2

Investment pledges, pagpapakita ng kumpiyansa  sa ekonomiya, polisiya ni PBBM– Speaker Romualdez

216 Views

ANG pagbuhos ng investment pledges sa unang semestre ng 2023 ay pagpapakita umano ng kumpiyansa sa potensyal ng ekonomiya ng bansa at sa magandang polisiyang ipinatutupad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez matapos na umabot sa P698 bilyon ang inaprubahang investment pledges sa unang anim na buwan ng taon, mas mataas sa P230 bilyon na naitala ng Board of Investments sa kaparehong panahon noong 2022.

“It is a clear vote of confidence in the Philippine economy’s potential and prospects and affirms the soundness of the economic and fiscal policies of President Bongbong Marcos geared towards the attainment of his vision to bring our country to upper-middle income status by 2025,” sabi ni Speaker Romualdez.

“Likewise, this development signals that the world is responding positively to the President’s vigorous campaign to promote the Philippines as a prime destination for investment and a recognition of our steadfast pursuit of sustainable and inclusive growth,” dagdag ng opisyal.

Tinukoy din ni Speaker Romualdez ang pahayag ni Trade Secretary Alfredo Pascual na ang Pilipinas ay magiging premier investment destination ng Asya.

Kailangan naman, ani Romualdez na samantalahin ng gobyerno ang positive momentum na ito upang tunay na magresulta sa aktwal na pamumuhunan at mapakinabangan ng mga Pilipino ang bunga.

“We must continue to work hand in hand with the private sector to create an enabling environment that fosters job creation, economic diversification, and innovation,” saad ni Romualdez

Muling tiniyak ni Romualdez na tututukan ng Kamara ang mga panukala na magsasakatuparan sa hangarin ng Pangulo na mapa-angat ang ekonomiya ng bansa, mapababa ang presyo ng pangunahing bilihin at pataasin ang purchasing power ng bawat Pilipino.

Nauna rito, siniguro ni Speaker Romualdez na sa pagsisimula pa lamang ng 2nd regular session ng 19th Congress ay mabilis na aaksyunan ng Kamara ang mga bagong priority measure na napagkasunduan ipasa sa Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC) bago matapos ang taon.

Sa pagtatapos ng 1st regular session ng 19th Congress, 33 mula sa 42 priority measures ng Marcos Jr. administration na ang natapos ng Kamara.

“It is through collaborative efforts between the legislative and executive branches that we can solidify the Philippines’ position as a preferred investment destination in the region,” diin ng House leader.

Sa ulat pa ng BOI, ang 155 na proyekto bahagi ng investment pledges ay 43 porsyentong mas mataas kumpara sa 106 na proyekto mula January hanggang June 2022.

Oras na maisakatuparan ito, 29,964 na karagdagng trabaho ang malilikha, o 96 porsyentong mas mataas kumpara noong nakaraang taon.

Nagkakahalaga ng P393 billion ang ipinangakong investment ng mga German company, sinundan ito ng Singapore (P16.8 bilyon), the Netherlands (P3.57 bilyon), France (P2.04 bilyon) at United States (P1.9 bilyon).

Ang Western Visayas (Region 6) ang pupuntahan ng pinakamalaking bahagi ng pangakong investment (P306 bilyon). Sinundan ito ng Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) na may P164 bilyon, Ilocos (P55.5 bilyon), Central Luzon (P28.7 bilyon) at Metro Manila (P25.6 bilyon).

Mahigit three-fourth ng inaprubahang investment (76.83 porsyento) ay may kinalaman sa renewable energy.

Kumpiyansa ang BOI na maaabot nito ang target na investment approval ngayong taon na umaabot sa P1.5 trilyon.