Bautista

Ipatutupad na fare discounts sa susunod na buwan hindi ikalulugi ng mga PUV drivers, ayon sa DUMPER-PTDA Party List Group

Mar Rodriguez Mar 20, 2023
264 Views

NILINAW nang Drivers United for Mass Progress and Equal Right-Philippine Taxi Drivers Association (DUMPER–PTDA) Party List Group sa Kamara de Representantes na hindi ikalulugi at hindi malaking kawalan sa kita ng mga Public Utility Vehicles (PUV) drivers sakaling maging epektibo na sa susunod na buwan ang ipatutupad na “fare discounts” para sa mga pasahero.

Ito ang naging paglilinaw ni DUMPER-PTDA Party List Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim na ang implementasyon ng Service Contracting Program (SCP) sa susunod na buwan ay hindi makaka-apekto sa araw-araw na kita ng mga PUV drivers na ipinag-aalala naman ng mga ito.

Binigyang diin ni Bautista-Lim na walang maluluging PUV drivers sapagkat ang pamahalaan na mismo aniya ang sasalo ng ipatutupad na discount na ibibigay naman sa mga mananakay. Sa gitna ng kasalukuyang krisis na nararanasan ng bansa dulot ng mataas na presyo ng mga bilihin.

“Walang maluluging drivers dito dahil ang pamahalaan ang sasalo sa discount na iyan na ipatutupad sa susunod na buwan. While it may be true that there will be lower fares in favor of commuters, this does not mean drivers will be at disadvantage because the SCP will fill in the discoubts,” paliwanag ng mambabatas.

Sinabi pa ng kongresista na ang pagpapatupad ng SCP ay magiging nationawide. Kung kaya’t walang dapat na ipag-alala o ikabahala ang mga PUV drivers dahilan sa ang pamahalaan na mismo ang pupuno o magbabayad sa anomang halaga ng discount na ibibigay sa mga commuters.

“Liliwanagin ko po, sa ilalim ng SCP ang gobyerno ang pupuno at magbabayad sa anomang halaga ng discount para naman sa mga hindi sasali sa SCP. Patuloy silang maniningil ng regular na pamasahe sa halagang P12 hanggang P14 pesos,” paglilinaw ni Bautista-Lim.