Calendar
Ipinakakalat na wala ang pangalan ni Robredo sa balota sa New Zealand fake news
FAKE news umano ang ipinapakalat sa social media na wala ang pangalan ni Vice President Leni Robredo sa balota na ginagamit sa New Zealand.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia hindi totoo na tinanggal ang pangalan ni Robredo sa balota sa overseas absentee voting para sa nabanggit na bansa
Ipinunto ni Garcia na mayroong serial number ang mga balota kaya hindi rin maaari na ito ay mapalitan.
Sinabi ni Garcia na ipinapadala nila sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga ganitong kaso upang mahanap at makasuhan ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon.
Inilungsad din ng Comelec ang Task Force Kontra Fake News upang labanan ang mga nagpapakalat ng maling impormasyon na naglalayong pahinain ang kredibilidad ng halalan.