Hawks Ang IPPC Hawks nina Philippine-based Japanese Kunifumi Itakura at coach Orlando Binarao.

IPPC Hawks nadagit ang Game 1 vs UST Tigers

117 Views

NASAGIP ng Itakura Parts Philippines Corp.(IPPC) Hawks ang panalo sa peligrosong laban kontra University of Santo Tomas Tigers, 9-5, upang angkinin ang Game 1 ng best-of-three finals ng Liga Baseball Philippines( LBP) Tingzon Cup sa Rizal Memorial Baseball Stadium sa Malate, Manila.kamakailan.

Di gaano naging epektibo ang starting pitcher ni Hawks’ coach Orlando Binarao kung saan sunod -sunod na walks na nasundan pa ng hit ang naikamada kaya naunahan sila ng Tigers ng apat na runs sa first inning pa lamang.

Unti- unti naman itong tinapyasan ng koponang binubuo ng mga dating miyembro ng national team at pag-aari ni Japanese national Philippine-based Kunifumi Itakura (Ph baseball consultant).

“Veteran moves ng Hawks natin.Kailangan namin ang game 1 na ito kaya first 9 na kaagad ang tinaya ko lalo ang pitcher ko si Lyle Caasalan,” sambit ni Hawks coach Binarao.

“Gayunpaman, tiwala naman ako sa mga players ko na kaya nila i-overcome ang 4 runs na advantage ng kalaban at mabuti ay naunti- unti namin hanggang naka- tie kami sa 5 runs plus nag- commit sila ng errors kaya umiskoe kami ng 3 runs para lumamang sa 6th inning.”

Nakapuntos pa ang tropang Itakura ng 1 run sa 7th frame at nakontrol na ng pitcher ang mound hanggang sa last bat ng kalaban.

Papalo ang Game 2 finals ng IPPC at UST para sa kampeonato bukas ( Sabado) sa RMBS pa rin .

Ang LBP Tingzon Cup ay ipinangalan bilang parangal kay legendary baseball leader Rodolfo Tingzon, Sr. By Danny Simon