Calendar
Iranian Amba nagbigay-pugay kay Speaker Romualdez
NAG–COURTESY call kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Iranian Ambassador to the Philippines Alireza Tootoonchian sa Kamara de Representantes.
Sa kanilang pag-uusap muling inulit ni Speaker Romualdez ang pagnanais ng Pilipinas na mapalakas ang pakikipag-ugnayan nito sa Iran.
Sinabi ni Speaker Romualdez na mayroong pagnanais ang bansa na magsuplay ng agricultural product gaya ng saging at niyog sa Iran.
Nais din umano ng Pilipinas na kumuha ng urea sa Iran upang magamit sa paggawa ng fertilizer.
Kasama sa naging pagpupulong ng dalawa sina House Committee on Inter-Parliamentary Relations and Diplomacy Chairperson Rep. Glona Labadlabad (2nd District, Zamboanga del Norte), Committee on Foreign Affairs Chairperson Rep. Ma. Rachel Arenas (3rd District, Pangasinan), and Committee on Agriculture Chairperson Rep. Wilfrido Mark Enverga (1st District, Quezon).
Bumisita rin si Ambassador Tootoonchian sa Plenary Hall kung saan nakasama nito sina Inter-Parliamentary and Public Affairs Department Deputy Secretary General Atty. Grace Andres at Inter-Parliamentary Relations and Special Affairs Bureau (IPRSAB) Executive Director Lourdes Rajini Rye.