Tieng

IRR ng Maharlika Fund g makasaysayang pag-unlad sa financial landscape ng Pilipinas– House banking panel chief

Mar Rodriguez Nov 13, 2023
153 Views

PINURI ng chairman ng House Committee on Banks and Financial Intermediaries ang pinal na bersyon ng implementing rules and regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF) na magbibigay ng otonomiya sa korporasyon na mamamahala rito.

Ayon kay Manila 5th District Rep. Irwin Tieng ang mas pinagandang probisyon ng IRR na magbibigay kalayaan sa Maharlika Investment Corporation (MIC) Board of Directors sa pangangasiwa ng MIF ay isang mahalagang pagbabago sa financial landscape ng Pilipinas.

“We are delighted to witness the culmination of efforts to fortify the MIC through enacting comprehensive and empowering rules,” sabi ni Tieng na siyang nag-sponsor ng panukala sa Kamara de Representantes. “The strengthened independence of the Board of Directors is fundamental in ensuring prudent and effective decision-making, safeguarding the corporation’s integrity and promoting financial stability.”

Ayon kay Tieng, ang bagong IRR ay isang mahalagang hakbang para maisulong ang kabuuan ng MIF at matiyak ang pagkakaroon nito ng transparency, accountability at maayos na pagdedesisyon.

“This move aligns with the ongoing commitment to foster a resilient and progressive financial environment, reinforcing trust and confidence among stakeholders and investors,” punto ni Tieng

Nagpasalamat din si Tieng kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa lahat ng stakeholders, regulatory bodies, at expert sa industriya na pinagsama-sama ang kaalaman upang mabuo ang metikulosong panuntunan.

Kumpiyansa ang mambabatas sa positibong epekto ng naturang regulasyon sa pagpapaunlad ng financial landscape, pag-unlad ng ekonomiya at pag-hikayat ng mga mamumuhunan sa Pilipinas.

Kasabay nito ay nagpaalala si Tieng ng patuloy na pagbabantay at adaptability o kakayanan na makasabay sa mga pagbabago sa usaping pinansyal ang bansa.

“Sustained collaboration and dedication are key to maintaining the integrity and stability of financial institutions, ultimately for the well-being of the Filipino populace,” diin ni Tieng.

“This highlights the need for consistent efforts in safeguarding financial systems and ensuring they serve the people effectively,” dagdag pa nito.