PAGASA

Isa pang bagyo papasok sa PAR

242 Views

ISA pang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago matapos ang linggo.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang tropical depression ay mayroong hangin na umaabot sa 45 kilometro bawat oras at pagbugso na hanggang 55 kilometro bawat oras.

Ito ay nasa layong 2,020 kilometro sa silangan ng Southern Luzon.

Umuusad ito ng pahilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro. Kung hindi magbabago ang direksyon at bilis sa Huwebes ito papasok ng PAR at tatawaging bagyong Neneng.

Maaari umano na mag-landfall ito sa Northern Luzon o Central Luzon.