Isa pang Infra project ni Dy inilunsad

Mar Rodriguez Aug 21, 2024
28 Views

Inno Dy Inno Dy𝗠𝗨𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗻𝗴𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮 𝟲𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗙𝗮𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗼 “𝗜𝗻𝗻𝗼” 𝗔. 𝗗𝘆 𝗩 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝗶𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗼𝘆𝗲𝗸𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘄𝗶𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗵𝗶𝗹𝗲𝗿𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗳𝗿𝗮𝘀𝘁𝗿𝘂𝗰𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗽𝗿𝗼𝗷𝗲𝗰𝘁𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗲𝗻̃𝗼.

Ayon sa House Deputy Majority Leader, inilunsad kamakailan sa lalawigan ng Isabela ang inagurasyon ng multi-purpose building project nito para sa Barangay Castillo Echague sa nasabing lalawigan.

Paliwanag ni Dy, puspusan ang ginagawa nilang mga proyekto sapagkat napakarami pang ingrastructure projects ang nakahilera sa kanilang mga plano kabilang na dito ang pagpapa-espalto ng mga sirang kalsda sa Isabela.

Tiniyak naman ng kongresista na hindi titigil ang kaniyang tanggapan sa paghahatid ng de-kalidad na serbisyo para pagsilbihan ang kaniyang mga kababayan.

“Makakaasa po kayong hindi po kami titigil na maghatid ng mga makabuluhang proyekto at serbisyo para sa ating mga kababayan,” sabi ni Dy.

To God be the Glory