Isa pang solon umanib sa Lakas-CMD

116 Views

UMANIB na sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores.

Pinangasiwaan ni Romualdez ang panunumpa ni Flores na ginanap sa tanggapan ng Speaker sa Batasan Complex, Quezon City.

“I thank Cong. Flores for joining the right political party whose commitment is to work towards a better future for our nation. We are honored to welcome you today as the 71st House member of Lakas-Christian Muslim Democrats, a dedicated advocate for positive change,” ani Speaker Romualdez.

Umakyat na sa 71 ang kabuuang bilang ng mga kongresista na miyembro ng Lakas-CMD.

Sinaksihan nina dating Pangulo at senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo, Lakas-CMD president emeritus; Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Lakas-CMD executive vice president; at Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II, Lakas-CMD secretary general, ang panunumpa.

Sinabi ni Romualdez na ang pagdami ng mga miyembro ng Lakas-CMD ay nangangahulugan ng paglakas ng suporta sa layunin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.

“As promised, we continue to grow in support of President Ferdinand Marcos Jr.’s Agenda for Prosperity and socio-economic development roadmap. Let us join together in our drive for meaningful progress in addressing our country’s critical issues,” sabi ni Speaker Romualdez.

Noong Pebrero ay nanumpa rin bilang miyembro ng Lakas-CMD sina South

Cotabato 2nd District Rep. Peter B. Miguel at Laguna 2nd District Rep. Ruth Mariano-Hernandez.