Torre

Isa pang suspek sa pamamaril sa pamilya ng photojournalist nasakote

Alfred Dalizon Jul 14, 2023
89 Views

NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang isang lalaki na itinuturong kasama sa mga tumambang sa pamilya ng Remate photojournalist na si Joshua Abiad.

Kinilala ni QCPD Director Police Brigadier General Nicolas D Torre III ang suspek na si Jomari Dela Cruz, 24-anyos, at residente ng Phase 3, Block 2, Lot 8, PCS 53, Southville 3, Poblacion, Muntinlupa City.

Siya ay naaresto alas-4:30 ng hapon noong Huwebes, Hulyo 13, sa Solid North Transit Bus Terminal sa EDSA, Cubao, Quezon City.

Nakatanggap umano ng impormasyon ang Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) mula sa isang impormante na darating si Dela Cruz sa nabanggit na bus terminal matapos ang ilang araw na pagtatago sa Pangasinan.

Nagsagawa ng surveillance operation ang pulisya sa lugar nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober umano sa suspek ang isang kalibre 9mm pistola na mayroong bala, at isang magazine na nakatago sa gray na sling bag.