Calendar
Saktong sakto ang naging panukala ni Cong. Inno Dy na bigyan ng refund ang mga estudyante na bumili ng ticket online lalo ngayong Holy Week
REFUND PARA SA MGA ESTUDYANTENG NAKABILI NG TICKET ONLINE:
MARAMI sa ating mga kababayan ngayong panahon ng Holy Week ang mag-uuwian sa kani-kanilang lalawigan para magbakasyon. Habang ang iba naman ay para bisitahin ang kanilang mga mahal sa buhay. Kaya inaasahan natin na dadagsa ang napakaraming pasahero sa iba’t-ibang terminal.
Kaya naman “timing na timing” ang naging mungkahi ni House Deputy Majority Leader at Isabela 6th Dist. Congressman Faustino “Inno” A Dy V na kailangang bigyan ng refund ang mga estudyante na bumili ng kanilang ticket online lalong lalo na ngayong mag-uuwian sila sa iba’t-ibang probinsiya.
Isang napaka-laking kaginhawahan ang mungkahi ni Congressman Dy sapagkat alam naman natin na ang mga estudyante ay umaasa lamang sa allowance na ibinibigay ng kanilang mga magulang. Habang ang iba naman ay nagpa-partime job para lamang tustusan ang kanilang pag-aaral.
Ang pagbibigay ng refund para sa mga estudyante na bumili ng ticket sa pamamagitan ng online transactions. Ayon sa paliwanag ng kongresista ay alinsunod sa itinatakda ng Republic Act No. 11314 o ang Student fare Discount Act. Kaya talagang obligado ang mga bus terminal na sundin ang tinatakda ng batas.
Pero may ilang transport companies di-umano ang hindi nagbibigay ng fare discount sa mga estudyante. Lalo na kung ang ticket daw na nabili ay sa pamamagitan ng online transactions. Gaano ba ito katotoo? Siguro ito ang dapat paimbestigahan ni Congressman Inno Dy.
HAPPY BIRTHDAY MADAMME CONGRESSWOMAN GMA
BINABATI pala natin ng isang maligayang kaarawan (April 05) ang ating dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayo’y House Senior Deputy Speaker at congresswoman ng 2nd District ng Pampanga.
Nabanggit kasi sa atin ng kaniyang staff na si Ms. Libby na magdiriwang ng kaniyang Brithday ngayong Wednesday ang dating Pangulo. Ilan taon na kaya si Maddame? Pero nitong huli natin siyang makita sa National Library. Sa paglulunsad ng E-Congress ay blooming parin si Ma’am parang hindi siya tumatanda.
Kahit ano pa man ang nangyari sa nakalipas. Hindi pa rin natin matatawaran ang legacy na iniwan ni Pangulong Macapagal-Arroyo para sa ating bansa. Sapagkat sa datos na ibinigay sa atin ni Ms. Libby, 38 straight quarters ang natamo ng ating ekonomiya na isang matatawag na “positive growth”.
Minsan, tignan din naman natin ang mga positibong nagawa ng isang dating lider ng ating bansa. Sapagkat kung ang lagi nain ipupukol sa kaniya ay yung mga naging kapalpakan ng kaniyang administrasyon. Hindi na tayo uunlad hindi lamang bilang isang bansa kundi bilang isang Pilipino.
Ngayon panahon ng Semana Santa. Nawa’y ibaon na natin sa limot ang anomang galit o sama ng loob sa mga nakalipas na panahon. It’s time to move on, hindi tayo maaaring mabuhay sa anino ng nakalipas. Ang kailangan natin matutunan ay ang magpatawad. Hindi naman lahat ng naging Pangulo ay perpekto.
Tandaan lamang natin bago natin pulaan at batikusin ang ating kapwa ay kailangan muna natin punahin ang ating sariling pagkakamali. Maaaring maraming puna sa dating administrasyon ng dating Pangulong Arroyo. Subalit sino bang Pangulo ang hindi nagkamali? Tao lang tayo kaya prone din tayo sa pagkakamali.
Happy Birthday po ulit Congresswoman GMA!
MODERNISASYON NG NAPOLCOM
KAILANGAN na sigurong madaliin ng Kongreso ang pagpasa sa panukalang batas na isinulong ni 1-PACMAN Party List Congressman Michael “Mikee” L. Romero, Ph.D., para magkaroon ng modernisasyon sa National Police Commission (NAPOLCOM) dahil panahon na para magkaroon ng “upgrading” dito.
Inihain ni Romero ang House Bill No. 5859 para magkaroon ng napapanahong modernisasyon sa NAPOLCOM. Sapagkat matagal na panahon ng naipagkait sa ahensiyang ito ang pagbabago sa kanilang sistema sa pamamagitan ng paglalaan ng malaking budget kada taon.
Kung hindi magkakaroon ng modernization sa loob ng NAPOLCOM. Kailan pa kaya ito mangyayari? May kasabihan nga na “aanuhin mo pa ang damo kung patay na ang kabayo”. Sana ay mangyari ang inaasam ni Congressman Romero para sa NAPOLCOM, kapag nangyari iyan. Isang malaking tulong ito para sa ahensiya.
Binabati pala natin ang ating mga kaibigan diyan sa PASAWAY Viber Group na sina Congressmen Ace Barbers at Mike Defensor. Ganoon din sina pareng Ryan Pacpaco, John Concepcion, Dennis Gadil, Jera Sison, Atty Tan, Romie, Zaldy, Wendel, Usec Joel Egco, Delon at iba pa at si Billy Begas na nakabasa ng ating unang column noong nakaraang linggo. Hehehe.
God Bless po.