Robes

Isang nurse kada hospital ward ikinabahala

Mar Rodriguez Aug 17, 2023
407 Views

IKINABABAHALA ni San Jose Del Monte City Lone Dist. Congresswoman Florida “Rida” P. Robes ang kasalukuyang kalunos-lunos na kalagayan ng iba’t-ibang pampublikong Ospital sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng mga nurse kaya kulang at kapos din ang serbisyo para sa mga pasyente.

Ito ang inilahad ni Robes sa kaniyang privilege speech sa Plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa nakaka-alarmang sitwasyon ng mga pampublikong Ospital bunsod ng kakapusan ng mga nurse. Kaya umaapela na ang mambabatas sa kaniyang mga kasamahan sa Kamara.

Sinabi ni Robes sa kaniyang talumpati na sa kasalukuyan, ang sitwasyon umano sa mga Hospital ward ay “nurse-to-patient” ratio ang sistema o isang nurse lamang ang naka-duty kada ward. Kung kaya’t mas napaka-hirap para sa mga pasyente ang mabigyan ng nararapat na serbisyo.

“I rise on a matter and collective privilege to bring before this August body the plight of our Filipino nurses. The need for safe and adequate staffing in our hospital and the vital role of creating a positive practice environment for our nurses towards a quality driven healthcare system for Filipinos,” sabi ni Robes.

Binigyang diin pa ng kongresista na sa ibang pampublikong Ospital, ang isang nurse aniya ay nag-aasikaso ng 20 hanggang 50 pasyente kada shift nila. Kung saan, iginiit ni Robes na hindi ito dapat ipagwalang bahala at kailangang tugunan ng pamahalaan sa lalong madaling panahon.

“In some hospitals, one nurse attend to 20 to 50 patients per shift. Hindi ito dapat ipagwalang bahala dahil ayon sa datos na aking nakalap ay safe nurse staffing saves lives. May mga bansa na nag-iisponsor sa ating mga college students to take up nursing with an offer to migrate and work and in the sponsoring country,” dagdag pa ni Robes sa kaniyang talumpati.

Sinabi pa ni Robes sa kaniyang privilege speech na: “Kung pababayaan natin itong magtuloy-tuloy, mayroon pa ba tayong sapat na bilang ng mga nurse upang pagsilbihan ang sambayanang Pilipino?”