Conrado

Isang taong moratorium sa pagbabayad ng agrarian reform beneficiary pinirmahan ni PBBM

158 Views

PINIRMAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Executive Order (EO) 4 na naglalayong bigyan ng isang taong moratorium sa pagbabayad ng amortization at interest ang mga agrarian reform beneficiary.

Ang EO 4 ay pinirmahan ng Pangulo sa araw ng kanyang kaarawan ngayong Setyembre 13.

Ayon kay Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang EO ay pagtupad ng Pangulo sa kanyang sinabi sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na tutulungan ang mga maliliit na magsasaka.

Dahil hindi muna magbabayad, ang pera ng mga magsasaka ay maaari umano nilang idagdag sa kanilang puhunan sa pagtatanim upang lumaki ang kanilang produksyon at kita.