Calendar
Isinusulong na gawing legal MC taxis sinuportahan
SINUSUPORTAHAN ng House Committee on Metro Manila Development ang panukalang batas na kasalukuyang nakasalang sa Kongreso upang gawing legal ang operasyon ng motorcycle taxi.
Kasunod ng pahayag ni President Bongbong R. Marcos, Jr. na bigyan ng prayoridad ang nasabing panukala.
Sinabi ni Manila 2nd Dist. Congressman Rolando “CRV” M. Valeriano, Chairman ng Committee on Metro Manila Development, na matagal ng naninindigan ang kaniyang Komite na dapat saliksikin ng gobyerno ang mga pamamaraan para matulungan at mabibigyan ng kaginhawahan ang libo-libong commuters.
Ipinaalala ni Valeriano na hiniling narin nila dati sa Technical Working Group (TWG) ng Department of Transportation (DOTr) na magsimite sila ng report hindi lamang sa legalisasyon ng mga motorcycle taxi. Bagkos, maging sa kung papaano mare-regulate ang operasyon ng mga MC Taxi.
Aminado si Valeriano na ang Transportation Network Vehicle Services (TNVS) tulad ng motorcycle taxis. Kabilang na ang GRAB Philippines, Angkas, Joy Ride at iba pa ay itinuturing na “ride hailing app” kung saan napakaraming mamamayan ang tumatangkilik dito bilang alternatibong transportasyon.
“The Committee MMD has always held that our government must find ways to ease traffic while giving comfort to our public commuters. We challenged the DOTR-TWG on MC Taxi to already submit a report not only on whether or not they should be legalized but also how they must be regulated,” sabi ni Valeriano.
Pinapurihan din ni Valeriano sina President Marcos, Jr. at House Speaker Ferdinand Ferdinand Martin Gomez Romualdez dahil sa pagbibigay nila ng prayoridad para sa agarang pagsasabatas ng “motorcycle taxi bill” na inaasahang magdudulot ng napakalaking pakinabang sa mga public commuters.
Samantala, nagpa-abot naman ng tulong pinansiyal si Valeriano kasama ang ilang Manila Councilors para sa mga residenteng nasunugan sa Barangay 256 sa ilalim ng pamumuno ni Barangay Chairman Ramon Peaches Perez.