Speaker Romualdez

Isinusulong ng libreng health care para sa mga Pinoy ikinagalak ni Dy

Mar Rodriguez Aug 17, 2024
68 Views

Speaker Romualdez𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗨𝗥𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗻𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗗𝗲𝗽𝘂𝘁𝘆 𝗠𝗮𝗷𝗼𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗟𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗜𝘀𝗮𝗯𝗲𝗹𝗮 𝟲𝘁𝗵 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴. 𝗙𝗮𝘂𝘀𝘁𝗶𝗻𝗼 “𝗜𝗻𝗻𝗼” 𝗔. 𝗗𝘆 𝗩 𝘀𝗶 𝗛𝗼𝘂𝘀𝗲 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸𝗲𝗿 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 𝗠𝗮𝗿𝘁𝗶𝗻 𝗚𝗼𝗺𝗲𝘇 𝗥𝗼𝗺𝘂𝗮𝗹𝗱𝗲𝘇 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝘂𝘀𝘂𝗺𝗶𝗸𝗮𝗽 𝗻𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗶𝗻𝗶𝗺𝗶𝘁𝗵𝗶 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗲𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮-𝗼𝘀𝗽𝗶𝘁𝗮𝗹 𝗼 𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝗽𝗮-𝗴𝗮𝗺𝗼𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗶𝗵𝗶𝗿𝗮𝗽 𝗻𝗮 𝗣𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼.

Dahil dito, ipinaliwanag ng House Deputy Speaker na maituturing na isang napakalaking tulong para sa mga mahihirap na Pilipino ang naturang programa sapagkat ang pangunahing problema ng mga maralitang mamamayan ay ang napakamahal na pagpapaospital at pagpapa-gamot.

Pagdidiin pa ni Dy, ilan din sa mga mahihirap na Pinoy ang sumasangguni na lamang sa “albularyo” o kung tawagin ay “quack doctor” para ikonsulta ang kanilang iniindang karamdaman dahil sa napakamahal na singilin o bayarin sa ospital bukod pa dito ang “doctor’s fee”.

Kaya naman ikinagagalak ni Dy ang naging pahayag ni Speaker Romualdez matapos ang pakikipag-pulong nito kina Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles at Philippine Medical Association (PMA) President Dr. Hector Santos, Jr. para maging libre ang “health care’ para sa lahat ng mga Pilipino.

Ayon kay Dy, sa pamamagitan ng programa ng PCSO, hindi na mahihirapan ang mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap na Pinoy na mabayaran ang “professional fee” ng mga doktor dahil ang nasabing ahensiya na ang bahalang sumagot dito.

To God be the Glory