Calendar

Isko nangakong lilinisin ang Manila
TINIYAK ni Manila Mayor-elect Francisco “Isko Moreno” Domagoso na gagawin niya ang lahat upang maibalik ang kalinisan sa bawa’t lansangan ng lungsod.
Nilinaw ng mauupong bagong alkalde na nais lamang niyang magpakatotoo kaya kahit tapos na ang kampanya nababanggit niya ang kadugyutan ng Manila lalu’t ang naturang problema ang laging tinatanong sa kanya ng marami.
“I will do may best, I hope the two contractors of garbage collection will have a different approach under out administration,” sabi pa niya.
Sa oras na hindi aniya makatugon ang dalawang contractors na humahakot ng basura sa kanyang pagnanais na maibalik ang kalinisan, hindi siya mangingimi kung ano man ang mangyayari sa kontrata ng mga ito sa Maynila.
“Kapakanan ng bayan itong pinag-uusapan natin, hindi negosyo nila,” dugtong pa ni Yorme Isko.
Mahalaga aniya ang sanidad, dahil ito ay isyu ng mahirap, middle class, at ng mayaman lalu na’t ang maduming kapaligiran ay nagdudulot ng sakit ng walang pinipiling katayuan sa buhay.
Gayunman, sa ngayon aniya ay ipauubaya na muna niya kay Mayor Honey Lacuna na gawin ang kanyang tungkulin dahil anim na linggo pa ang nalalabi bago siya maupo bilang alkalde ng Maynila.