Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Isko Source: Manila Public Information FB

Isko sa pagmumura dahil sa holdup video: Sorry, dala lang ng emosyon

89 Views

NAG-SORRY sa publiko si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno Domagoso kasunod ng pagkalat ng video kung saan nadala siya ng emosyon at napamura habang pinupuna ang mga suspek sa panghoholdap sa isang babaeng rider sa Road 10, Tondo.

Paliwanag ng alkalde, hindi niya naiwasang maglabas ng matinding reaksyon matapos marinig mismo ang salaysay ng biktima, na aniya’y kitang-kita ang takot at trauma habang kausap niya ito.

Sa inilabas na video ng Manila Public Information Office, ibinahagi ni Isko:

“Dahil nakapanginginig po talaga ng laman. Eh itong mga g*gong ito, pera lang ang lakad, tapos uundayan mo pa ng saksak, nakuha mo na lahat. Yung trauma—she was like one feet away from me, nanginginig yung laman ng babae. So that’s why, for now, at least justice will be served. They being submitted now to prosecutors’ office.”

Giit ng Manila mayor, bagama’t nadala siya ng emosyon, mahalaga na mapanagot ang mga suspek at maibigay ang hustisya sa biktima.