Valeriano

Isusulong na pabahay project ng DHSUD sa Tondo ikinagalak ni Valeriano

Mar Rodriguez Jul 15, 2024
94 Views

𝗜𝗞𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗟𝗔𝗞 𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝗴𝘂𝗿𝗶𝗮𝗻𝗴 “𝗔𝗻𝗮𝗸 𝗻𝗴 𝗧𝗼𝗻𝗱𝗼” 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮 𝟮𝗻𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁. 𝗖𝗼𝗻𝗴𝗿𝗲𝘀𝘀𝗺𝗮𝗻 𝗥𝗼𝗹𝗮𝗻𝗱𝗼 “𝗖𝗥𝗩” 𝗠. 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗮𝗻𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮-𝗮𝗽𝗿𝘂𝗯𝗮 𝗻𝗶 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗶𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗙𝗲𝗿𝗱𝗶𝗻𝗮𝗻𝗱 “𝗕𝗼𝗻𝗴𝗯𝗼𝗻𝗴” 𝗥. 𝗠𝗮𝗿𝗰𝗼𝘀, 𝗝𝗿. 𝘀𝗮 𝗣𝗿𝗼𝗰𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗡𝘂𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟲𝟭𝟬 𝘂𝗽𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗽𝘂𝗻𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴-𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗻𝗴 𝗗𝗲𝗽𝗮𝗿𝘁𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗛𝘂𝗺𝗮𝗻 𝗦𝗲𝘁𝘁𝗹𝗲𝗺𝗲𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝗨𝗿𝗯𝗮𝗻 𝗗𝗲𝘃𝗲𝗹𝗼𝗽𝗺𝗲𝗻𝘁 (𝗗𝗛𝗦𝗨𝗗) 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗽𝗮 𝘀𝗮 𝗧𝗼𝗻𝗱𝗼, 𝗠𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮.

Ayon kay Valeriano, layunin ng Proclamation Number 610 na mapunta sa “discretion” ng DHSUD ang ilang bahagi ng lupa sa Tondo, Manila na maaaring pagtayuan ng isusulong nitong “pabahay project” sa darating na hinaharap.

Dahil dito, optimistiko si Valeriano na malaking tulong ang inaasahang maidudulot ng Proclamation Number 610 sapagkat mangangahulugan ito ng pagpapatayo ng mga pabahay para sa mahihirap na mamamayan partikular na sa kaniyang mga sariling kababayan sa Tondo na kilalang lugar ng mga maralita.

Ayon kay Valeriano, sakaling maisakatuparan ang nasabing proyekto. Mabibigyan ng pagkakataon ang kaniyang mga kababayan sa Tondo na magkaroon ng isang disenteng pamumuhay sa pamamagitan ng isang maayos na tahanan.

Dahil dito, pinasalamatan ng kongresista si Pangulong Marcos, Jr. dahil sa ipinapakita nitong malasakit at pagmamahal para sa mga mahihirap na mamamayan lalo na sa hanay ng urban poor upang magkaroon sila ng isang maayos na matitirahan o pabahay.

To God be the Glory