Italy, ASEAN envoys nag-courtesy call kay PBBM

153 Views

NAG-COURTESY call kay President-elect Ferdinand Marcos Jr. ang mga ambassador ng Italy at mga bansa sa ASEAN ngayong Hunyo 6.

Bukod sa pagpaparating ng kanilang mensahe ng pagbati kay Marcos bahagya ring napag-usapan ang pagpapalakas ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.

Unang dumating ang Ambassadors of Brunei Darussalam na si Johairah Wahab sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City.

Sumunod naman ang ambassador ng Italy na si Marco Clemente.

Sumama rin si Wahab, ang Dean ng ASEAN Ambassador sa pagharap ng iba pa kay Marcos. Kasama sa mga nakasalamuha ni Marcos sina Thawat Sumitmo, ang Charge D’ Affaires ng Thailand; Ambassador Songkane Luangmuninthone ng Lao People’s Democratic Republic; Agus Widjojo ng Indonesia; Phan Peuv ng Cambodia; Hoang Huy Chung ng Vietnam; at Gerard Ho ng Singapore.

Napag-usapan rin umano ang kooperasyon ng mga bansa para mapalakas ang COVID-19 response kasama na ang pagpapalago ng ekonomiya na bumagsak dahil sa pandemya.

Sinabi rin ng Italian ambassador ang kanyang pagnanais na madala sa Pilipinas ang Inter-Milan football club upang mapalago ang people-to-people cooperation ng dalawang bansa.