GMA

‘It’s Showtime’ pasabog ang pilot episode sa GMA, trending worldwide

Eugene Asis Apr 7, 2024
253 Views

It's showtime It's showtime It's showtime It's showtimeNANGYARI na ang isa sa pinakamakasaysayang moment sa telebisyon nang mag-debut ang longest-running noontime show na “It’s Showtime” sa GMA noong Sabado, Abril 6 na nagtrending worldwide sa Twitter at umani ng 500,000 peak concurrent views online.

Binuksan ng Asia’s Unkabogable Superstar at birthday girl na si Vice Ganda ang “It’s Showtime” sa isang mala-Dune performance at ang pag-upo niya sa tuktok ng GMA logo sa building ng Kapuso network sa Timog Avenue sa Quezon City pati na ang performance niya ng “Thunder,” “Champion,” at “Hall of Fame.”

Samantala, sumunod na rin ang mga pasabog na performance ng co-hosts na sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Karylle, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Darren Espanto, Jugs Jugueta, and Teddy Corpuz, Ryan Bang, Jackie Gonzaga, MC, Lassy, Ion Perez, and Cianne Dominguez para sa Kapamilya at Kapuso viewers.

Pinasalamatan din ng unkabogable star ang bosses ng ABS-CBN at GMA sa paggawa nito ng paraan upang mas malawak ang mapasaya ng programa. Ayon pa sa kanya, ito ang tinuturing niyang best birthday gift at para ito sa madlang people.

“Ito ay para sa lahat ng Madlang People na mapapasaya namin simula sa araw na ito. Ito ay para sa GMA at sa ABS-CBN, lahat ng mga nagtatrabaho sa ‘It’s Showtime’, lahat ng mga staff natin, napakahuhusay at napakasisipag, at sa ating lahat na mga hosts, sa lahat ng mga kapiling nating mga Kapamilya, mga Kapuso,” sabi niya.

Samantala, nakisaya naman at nakisali sa Karaokids segment ang Kapuso stars na sina Gabbi Garcia, Sanya Lopez, Glaiza de Castro, Jillian Ward, Mark Bautista, Christian Bautista, Jake Vargas, Mikee Quintos, Nadine Samonte, at Chanty.

Sumalang naman sa espesyal na episode ng “Expecially For You” Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee kasama ang ina niyang si Miss International 1979 Melanie Marquez at ang nagtrending na young lawyer na si Oliver Moeller.

Mapapanood na ang “It’s Showtime,” 12 NN mula Lunes hanggang Sabado, sa GMA, A2Z, Kapamilya Channel, GTV, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, pati na rin sa iWantTFC app o iwanttfc.com. Mapapanood din ito sa labas ng Pilipinas sa The Filipino Channel. Masy handog rin silang “Showtime Online U” sa YouTube channel ng “It’s Showtime.”