Ivana

Ivana umaming milyones ang kinikita buwan-buwan

Vinia Vivar Apr 11, 2025
27 Views

Matapang na sinabi ni Ivana Alawi na willing siyang maghubad at magpakita ng private parts sa isang pelikula basta kailangan talaga sa eksena.

Sa panayam ng aktres/content creator sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nakaraang Miyerkules, natanong sa kanya ni King of Talk Boy Abunda kung hanggang saan ang kaya niyang ipakita at willing ba siyang mag-frontal nudity sa isang pelikula.

“Baka sila, hindi nila kayanin,” tila panghahamong sambit ni Ivana.

“Oo, kung kailangan. Kung para sa trabaho at maganda naman ‘yung script at maganda ‘yung istorya, why not?” dagdag niya.

Komento naman ni Kuya Boy, “That’s how comfortable you are with your body” sabay-tanong kay Ivana kung ano ang insecurities niya.

Ayon naman sa aktres, na-embrace na niya ang lahat ng insecurities niya ngayon pero dati ay insecure siya sa kanyang ilong.

“Kaya nga sinasabi n’yong retoke…. retoke? Insecurity ko nga ‘to. Ayan o,” pagpapakita niya sa kanyang ilong.

Nang tanungin kung may balak ba siyang magparetoke ng ilong, ayon kay Ivana ay wala na raw.

“Hindi na, bahala kayo, okay na ako, masaya na ako, contour-contour na lang ‘yan,” sagot ng aktres.

Inamin din niyang milyones ang kinikita niya buwan-buwan bilang content creator kaya nagse-share siya ng kanyang blessings.