Iya

Iya nagdadalantao sa anak #5 nila ni Drew

Vinia Vivar Sep 5, 2024
25 Views

Kasalukuyang nagdadalang-tao si Iya Villania para sa pang-lima nilang anak ni Drew Arellano.

Inanunsyo ng mag-asawa ang magandang balita sa kani-kanilang Instagram account kahapon.

Nag-post ng isang reel sina Andrew at Iya kasama ang kanilang apat na anak. Makikita sa video na masayang-masayang nagsasayaw ang mag-anak ng “Mambo No. 5.”

Sa dulo ng reel ay makikita ang sonogram ng ipinagbubuntis ni Iya.

Wala nang inilagay pang caption si Iya.

Sa comment section ay dumagsa ang pagbati sa mag-asawa ng netizens at kapwa celebrities.

“Oh em gee!!! Hahahahaha congratulations guys!!!” komento ni Jericho Rosales.

“OMG! Congrats!!!” pagbati naman ni Jessy Mendiola.

“Whoaaaaa! Lupit! Congratulations!!” sey ni Kris Bernal.

“OMG!!!!!!! So happy for you guys!!!!” sey ni Iza Calzado.

“Waaaaahhhh,” reaksyon naman ni Ryan Agoncillo.

Sabi ni Paolo Valenciano, “I’m not surprised eh !”

Sey naman ni Rica Peralejo, “GRABE congrats.”

From Karel Marquez, “OMGGGGG! Congratulations omg 5! Basketball team na!”