Calendar
Jak tumangging pag-usapan si Barbie
Parehong dumalo ang mag-ex na sina Jak Roberto at Barbie Forteza sa Denim and Diamonds Party, isang thanksgiving event para sa 75th anniversary ng GMA Network pero hindi sila nagpang-abot at nagkita.
Sa panayam ng “24 Oras” kay Jak, sinabi ng aktor na masaya siya na makasamang muli ang Kapuso stars and GMA Network executives.
“Ngayon na lang ulit nagkaroon ng event after ilang months din ‘di ba? Malapit na rin ‘yung gala. Good, good. Happy to be here and excited to meet our bosses,” pahayag ni Jak.
Ito ang una niyang interview matapos ang breakup nila ni Barbie pero hiniling ng aktor na huwag na lang itong pag-usapan.
Basta sa ngayon ay gusto na lang daw niya to stay positive at marami raw siyang dapat ipagpasalamat kabilang na ang ipinapatayong bahay na malapit nang matapos.
Isa rin sa mga ipinagpapasalamat ni Jak ay ang suporta sa kanya ng kapatid na si Sanya Lopez.
“Teary-eyed pa, eh. Ramdam ko siya kasi talaga namang we’ve been through a lot. So, ngayon ‘yung time na parang… noong nag-adult kami, unti-unti na naming parang na-achieve ‘yung dreams namin. And together and parang supporting kami sa isa’t isa, nakukuha namin ‘yung mga gusto naming pangarap,” saad ng aktor.
Ibinalita rin ni Jak na nagsimula na siyang mag-work out bilang paghahanda sa kanyang bagong proyekto.