James

James Kumar proud daddy, proud Samaritan

222 Views
Award
Tinatanggap nina Tristan at Zy ang award para sa kanilang amang si Manjinder ‘James’ Kumar bilang isa sa 50 Rising Tigers of the Year sa Asia Leaders Awards.

Marlon PurificacionKAKATUWA ang Facebook post ng idol nating si James Kumar.

“I am grateful beyond words for being chosen as one of the 50 Rising Tigers of the Year by Asia Leaders Awards. While I was not present to receive my recognition, my proxies – my kids—din an even better job accepting my award on my behalf.

Thank you my wonderful children, Tristan and Zy, for doing this for Me. It’s truly a blessing to have you supporting me in all my endeavors.

I’m truly honored to be called your Dad.

May God bless us all!,” anang FB Post.

Si Manjinder ‘James’ Kumar, tagapangulo ng Filipino Indian Commerce & Welfare Society Inc. (FICWSI), ay maraming beses na nating naisulat.

Matagal na natin siyang kaibigan at parang magkapatid na ang aming turingan.

Matagal ko na rin sinasabing hindi ako magsasawang ilathala ang mga magaganda niyang gawain dahil naniniwala akong hindi lamang dapat negative write up kundi dapat ay positive rin ang dapat nating isulat, lalo na kung tungkol sa kabutihan.

Dalawang ulit nang tumanggap ng Philanthropist of the Year (2021 at 2022) mula sa Asia Leaders Awards si Kumar.

Bukod dito ay ginawaran din siya ng Corporate Social Responsibility of the Year Award.

Pero kamakailan, panibagong papuri muli ang hinakot ni James. Ito ay ang Rising Tiger, Nation Builder na iginawad muli ng Asia Leaders Awards sa pangunguna ng tagapangulo nito na si Grace Bondad Nicolas.

Ginanap ang gabi ng parangal sa Grand Hyatt Hotel sa Bonifacio Global City sa Taguig nitong nagdaang March 22, 2022.

Wala si James dito kaya ang dalawang anak nitong sina Tristan at Zy ang tumanggap.

Nang tanungin ng host kung ano ang masasabi sa tinanggap na parangal ng kanilang ama, kaagad nilang sinabi ang: “Unfortunately, my dad was not able to attend because he came from an out of town trip but he wanted to extend his thanks to everyone here and personally we feel like he deserves this award cause he’s someone who always give his time, effort and love to not just his family but to his colleagues and to anyone who needs help so thank you again and congrats dad.”

Bilang ama, ramdam ko ang tuwa ni James sa tinurang ito ng dalawang anak.

Sorry sa Asia Leaders Awards committee, pero para sa akin mas higit pa sa ibinigay nilang award kay James ang mga tinuran ng kanyang mga anak.

Ramdam natin sa mga bata ang pagiging ‘proud anak’ para sa kanilang ama.

Bagaman salitang ingles, napakasimple ng mga ito at feel natin ang sinseridad sa kanilang sinasabi.

Maraming nakapansin sa hitsura nina Tristan at Zy.

Mga artistahin daw sila.

Sabi ko, bakit hindi, eh dati ring nagmo-modelo at nag-aartista si James bago pa man naging matagumpay na negosyante ngayon.

Sina Tristan at Zy, kasama ang misis ni James na si Yankee at iba pang mga anak ay palaging kasama ng pilantropo sa tuwing naghahatid siya ng tulong sa mga kababayan nating nangangailangan.

Kahit noong lindol ng Yolanda, Bohol earthquake, pagputok ng Bulkang Taal at saka ngayong pananalanta ng pandemya. Anuman ang ginagawang adbokasiya ni James, gayundin ng FICWSI, palaging nakasuporta at nakaalalay sa kanya ang mapagmahal na pamilya.

Sabi ko ‘nga, si James yung ‘Proud Daddy, Proud Samaritan!’

Congratulations Kuya, ingat lagi kayo ng family mo!

God bless you more!