Jane

Jane, Rob nachismis dahil kumain ng Ichiran

Aster A Amoyo Jul 2, 2024
88 Views

Jane1KASALUKUYANG nasa Taipei ngayon ang “Darna” star na si Jane de Leon kung saan ito nagsu-shoot ng bagong movie kasama sina Enrique Gil, Rob Gomez at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit nakitang magkasama sa isang video sina Jane at Rob na kuha sa isang restaurant ng Taipei kung saan sila kumakain ng Ichiran at may iba silang mga kasama.

Nalagyan ng kahulugan ang video sa isang restaurant nina Jane at Rob na sarap na sarap kumakain ng ichiran si Jane at kung saan sumilip ang Kapuso actor ay in-upload pa mismo ng Kapamilya star sa kanyang Instagram account.

Maraming fans ni Jane ang nag-react nang makita nila sa video ang controversial actor na si Rob Gomez sa pag-aakalang there’s something special going between the two.

“May movie silang sinu-shoot sa Taipei kasama sina Enrique at Rob,” pagtutuwid ng isang taong malapit sa Kapamilya actress.

It was in August last year nang magkahiwalay ang dating live-in partners na sina Rob at dating beauty queen na si Shaila Rebortera. Nasaktan umano ang huli nang aminin ng Kapuso actor sa kanyang panayam with Boy Abunda sa kanyang programang “Fast Talk with Boy Abunda” na siya’y single samantalang nagsasama sila noon at meron silang isang anak na si Amelia na magdadalawang taon na sa December 5. Bukod sa pagsasabi na single si Rob, nakita pa umano ni Shaila ang palitan ng text messages sa pagitan nina Rob at dalawang aktres na sina Herlene Budol at Bianca Manalo sa cellphone ng actor.

Si Rob ay anak ng dating aktres na si Kate Gomez, kapatid ng actor na si Gary Estrada at pinsan ng actor na si Kiko Estrada. Ang maternal grandfather ni Rob ay ang yumaong veteran actor na si George Estregan, nakababatang kapatid ng dating Pangulo at dating actor-producer na si Joseph `Erap’ Estrada. Bukod kay Gary ay uncle din niya sina E.R. Ejercito, Sen. Jinggoy Estrada at Jake Ejercito.

Kasal na lang kulang kay Sofia, Daniel

DanielDaniel1NASASAKTAN ang Kapamilya actress na si Sofia Andres kapag nasasama sa intriga sa kanya ang pamilya ng kanyang longtime partner, ang race car diver na si Daniel Miranda dahil maganda umano ang kanilang samahan at pakikitungo sa isa’t isa.

Mahigit anim na taon na rin ang relasyon ni Sofia sa kanyang partner na si Daniel habang ang kanilang anak na si Zoe will be turning 5 sa darating na November 24.

Kasal na lamang ang kulang sa relasyon nina Sofia at Daniel pero darating din umano ito sa tamang panahon.

Samantala, mas nauna pang ikinasal ang kapatid ni Daniel na si Enrique sa panganay ng mag-asawang Anthony Pangilinan at Maricel Laxa na si Ella Pangilinan, ang nakatatandang kapatid ng Kapamilya matinee idol na si Donny Pangilinan na nangyari nung December 7, 2023.

Mga manonood bumabalik na sa mga sinehan

InsideNAKATUTUWA na unti-unti nang bumabalik sa mga sinehan ang mga manonood laluna nang ipalabas sa mga sinehan worldwide ang mega hit Disney animated film na “Inside Out 2” na siya pa ring nangunguna hanggang ngayon since its release last June 14, 2024.

Bukod sa “Inside Out 2” na palabas pa rin sa mga sinehan hanggang ngayon ay pumapangalawa ang “Bad Boys: Ride or Die” ni Will Smith na naging controversial sa 2022 Oscars dahil sa kanyang pananampal sa host na si Chris Rock. Pumapangatlo ang Universal’s “The Bikeriders” na pinagbibidahan ni Austin Butler. Pang-apat naman ang action sci-fi na “King of the Planet of the Apes” ng 20th Century, panlima ang family movie na “Garfield,” pang-anim ang “If,” 7th and “The Exorcism,” pang walo ang “Thelma,” 9th and “The Watcher” at pang-sampu naman ang”Ghost: Rite Here, Rite Now”.

Pagdating naman sa mga local movies ay tila lukewarm pa rin ang reception ng mga manonood pagkatapos ng 2023 Metro Manila Film Festival kung saan tinangkilik ng mga manonood ang lima sa sampung entries.

AldenNagpakita naman ng lakas sa mga sinehan ang “A Very Good Girl” nina Dolly de Leon at Kathryn Bernardo maging ang “Five Break-ups and a Romance” nina Alden Richards and Julia Montes pero hindi ito maituturing na record-breaking box office hits nung isang taon.

Kung ang unang tambalan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Goodbye” ay sumira ng box office records nung ito’y ipinalabas sa mga sinehan (worldwide) nung 2019, inaasahang muli itong gagawa ng panibagong record sa balik-tambalan ng dalawa sa sequel na “Hello, Love, Again” na muling pinamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Sampana at joint production ng Star Cinema at GMA Pictures at kung saan din co-producer si Direk Cathy .

Although some of the scenes ay kinunan sa Hong Kong, na siyang location ng “Hello, Love, Goodbye,” karamihan sa mga eksena ay sa Canada kinukunan.

Hindi pa man tapos ang pelikula ay meron na itong playdate na Novermber 13, 2024 kaya hindi ito isasali sa golden anniversary ng Metro Manila Film Festival on December 25, 2024 to January 7, 2025.

Samantala, timing ang pelikulang “Hello, Love, Again” dahil mukhang nagkakamabutihan ngayon ang lead stars ng movie na sina Kathryn at Alden after the much-talked about break-up nina Kathryn at dati nitong nobyo (of 11 years) na si Daniel Padilla nung November 2023.

Para namang sinasadya ng pagkakataon dahil single pa rin hanggang ngayon si Alden matapos ng kanilang aborted loveteam ni Maine Mendoza na may asawa na ngayon, ang actor-politician na si Arjo Atayde.

Sylvia at Art excited sa unang apo

EXCITED na ang mag-asawang Sylvia Sanchez at Art Atayde sa kanilang magiging unang apo sa kanilang second child na si Ria Atayde at mister nito na si Zanjoe Marudo.

Although unang nagpakasal sina Arjo Atayde at Maine Mendoza nung isang taon na magwa-one-year na ngayong July 28, mas mauunahan pa silang magka-baby nina Zanjoe at Ria.

Since naka-bukod na sina Arjo at Maine maging sina Rita at Zanjoe, sina Gela at Xavi na lamang nag kasama sa bahay nina Sylvia (Jojo) at Art.

Dalawang comedian-director magkasunod na namatay

DinkyDinky1MAGKASUNOD na araw pumanaw ang actor-comedian at director na si Manuel `Manny’ Castaneda nung July 1 at kinabukasan, July 2 naman ang isa pang actor-comedian at director na si Dinky Doo, Jr. Parehong wala pang detalye kung ano ang naging sanhi ng kanilang pagkamatay although nababalitaan na naming matagal nang may sakit si Dinky Doo, Jr.

Si Dinky ay nakagawa ng ilang pelikula kasama na rito ang “Nandito Ako” nung 1994, “Buhay Mo’y Buhay Ko Rin” nung 1997 at ang kanyang advocacy film na “Durugin ang Droga” nung 2017.

Nung nabubuhay pa si Dinky ay hindi nito ikinaila na siya’y nagumon din sa ipinagbabawal na gamot na kamuntik pa umano niyang ikasawi. Magmula noon ay naging adbokasiya na niya ang mag-share ng kanyang naging masamang karanasan sa droga na dapat iwasan laluna ng mga Kabataan.

Sa mga mahal sa buhay na iniwanan nina Manny Castaneda at Dinky Doo, Jr., ang aming taos-pusong pakikiramay.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” ang “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.