javier Javier (kanan) kasama si Chairnan De Leon.

Javier nahirang na top horseowner

Ed Andaya May 19, 2022
486 Views

NAPILI ang businessman/sportsman at ngayon ay bagong Vice-Governor ng Leyte na si Leonardo “Sandy” Javier Jr. bilang top horseowner sa nakalipas na 2022 Philracom Awards.

Si Javier, na personal na tinanggap ang kanyang parangal, ay nahirang laban sa iba pang mga horseowners matapos magtala ng halos P21 million earnings mula sa kanyang mga premayadong kabayo.

Nanguna na dito ang kanyang pamosong kabayo na si Super Swerte, na may nahugot ng P6.5 million panalo

“Mas mura pala mag-alaga ng kabayo kesa mag-kampanya sa politika,” pabirong pahayag ni Javier matapos pasalamatan si Philracom chairman Reli de Leon at iba pang mga bumubuo ng ahensya.

Ang iba pang mga ginawaran ng prestihiyosong award ay sina Gabriel Gaerlan, Melaine Habla, James Anthony Rabano, Bell Racing Stable, Edward Vincent Diokno Running Rich Racing, Aristeo

“Putch” Puyat, Ken Logistics at Faustino “Caloy” Datu.

Ang Esguerra Farms and Stud ni Herminio “Hermie” Esguerra ang nakasungkit ng Top Breeder award matapos ang mahusay na pagtakbo ng kanyang mga produce laban kina Habla, Javier, SC

Stockfarm, Joseph Dyhengco, Antonio “Tony” Tan Jr., Benjamin “Benhur” Abalos Jr., Wilbert Tan, Jade Bros. Farm and Livestock and Puyat.

Sa trainer category, ang multi-titled na si Ruben Tupas ang muling namayani laban kina Conrado “Dodek” Vicente, Donato “Donnie” Sordan, Peter Aguila, Danilo “Dabe” de la Cruz, Ernesto “Boy

Gare” Roxas, Richard “Pinog” Rivera, Wally Manalo, Pedro “Maton” Sanchez at Edwin Vitalli for the honors.

Sa jockeys category, nagbida naman si Jesse Guce laban kina Kelvin Abobo, Pablito Cabalejo, Jonathan Hernandez, John Alvin Guce, Andreu Villegas, John Paul Guce, Oneal Cortez, Mark Angelo Alvarez at Claro Pare Jr.

Angat naman si Nelson Esteban bilang top apprentice para sa taong 2021 laban kina Jimmy Siego at Mark Tumanan.

Ang Top Import honors naman ay napunta kay Righteous Ruby, na pagmamay-ari ng Golden Three Kings Inc.

Tinalo nito sina Our Tito Chancetheracer, Super Ninja, Candaba, Vivid Pink, Troubador, Viva Forever, In the Zone at Kaka at Bachi.

Si Melaine Habla’s Brigand, sire ni 2021 Triple Crown third leg winner War Cannon, ang napiling top stallion ng 2021, na kung saan nakapag-uwi sila ng higit P15 million na prize money.

Higit ito sa P1 million nina Oh Oh Seven’s at Art Moderne.

Sa mga broodmares, nangibabaw si Haley Rebecca, na may total earnings na halos P12.4 million. Halos doble ito sa nalikom nina Faster Tapperat Ivanavinalot

Ang 2021 Triple Crown two leg winner at Presidential Gold Cup champion Nuclear Bomb ni owner Gabriel Gaerlan ang tinanghal na top horse dahil sa kanyang P11.5 million earnings.

Nasa ikalawang puwesto si zzuper Swerte ni Sandy Javier.

Pumangatlo ang War Cannon ni Melaine Habla.