Calendar
Jay Sonza inaresto ng NBI sa kasong cyberlibel
INARESTO ng mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dating broadcaster na si Jay Sonza noong Huwebes dahil umano sa pagpapakalat ng maling impormasyon online.
Ayon sa NBI, nag-ugat ang reklamo laban kay Sonza sa kanyang online posts tungkol sa pagpapakalat kaugnay sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.,.
Inakusahan si Sonza ng pagkalat ng fake news na pinaparusahan sa ilalim ng Article 154 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Cybercrime Prevention Act.
Siya ay natunton ng mga ahente at doon inaresto si Sonza sa kanyang bahay sa Quezon City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Artikulo 154 ng Revised Penal Code (RPC) ng Pilipinas si Sonza.
Sinasaklaw nito ang pagpapakalat ng maling balita na maaaring magkaroon ng panganib sa kaayusan ng publiko o nakakasira sa interes ng estado, nag-uudyok ng pagsuway sa batas/awtoridad, o paglalathala ng hindi awtorisadong opisyal mga dokumento.
Sinabi sa warrant of arrest ni Sonza na hindi bailable ang kaso laban sa kanya.
Siya ay kasalukuyang nakakulong sa NBI headquarters sa Pasay City.
