Calendar
Jeepney driver binaril sa harap ng jowa, todas
PATAY ang jeepney driver na binaril ng hindi nakilalang salarin sa harap mismo ng kanyang live-in partner noong Lunes sa Caloocan City.
Dalawang bala sa ulo at katawan ang tumapos sa buhay ni alyas John Bryan, ayon sa report.
Tumakas ang suspek na sumakay sa motorsiklong minamaneho ng kanyang kasabwat patungong Reparo Road, Brgy.178.
Ayon kay Caloocan Police Chief P/Col. Edcille Canals, bago nangyari ang pagpatay nag-iinuman ang biktima at ka live-in na si alyas Geralyn nang may kumatok sa pintuan dakong alas-2:10 ng madaling araw.
Nang buksan ng biktima ang pintuan, bigla na lang siyang binaril ng suspek sa harap ni Geralyn na nagsisigaw at humingi ng tulong sa mga kapitbahay dahil sa panic.
Nahagip ng CCTV sa lugar ang paglabas sa eskinita ng dalawang suspek na ang isa nagtatakip ng mukha gamit ang hood ng jacket habang naka-helmet ang kasama.
Inaalam pa ng pulisya kung kasabwat din ang dalawa pang lalaking naka-sombrero na kasabay nilang lumabas ng eskinita.