Ambush

Jeepney driver, kasama kritikal matapos ma-ambush

Edd Reyes Sep 10, 2026
14 Views

KRITIKAL ang dalawang inambush na jeepney driver at kasama nito habang pumapasada noong Miyerkules sa Malabon City.

Isinugod sa ospital ang mga biktimang sina alyas Jerome, 30; at Sherwin, 37, at kritikal ang kondisyon.

May mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang dalawa at dinala sa Valenzuela Medical Center.

Sa ulat kay Northern Police District (NPD ) director P/BGen. Benliner Capili tinatahak ng mga biktima ang M.H. Del Pilar St., Brgy Tinejeros nang parahin ng mga salarin sa tapat ng K-BBQ & Milk Tea at pinaulanan ng bala bago nagtatakbong tumakas patungong Kaingin St.

Nakuha ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang anim na basyo ng bala at isang depormadong bala ng hindi pa tinukoy na kalibre ng baril sa lugar na pinangyarihan ng ambus.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananambang.