Jennylyn mercado

Jennylyn ’di na kayang mag-topless

Vinia Vivar Feb 25, 2025
9 Views

Ayon kay Dennis Trillo, hindi niya pinagbabawalan ang misis na si Jennylyn Mercado sa intimate o kissing scenes sa ibang aktor.

“Wala naman, walang naglilimita lalo na sa trabaho,” sey ng aktor sa panayam nila ni Jen sa vlog ni Ogie Diaz.

“Siyempre, artista kami pareho. Naiintindihan namin ‘yung mga ginagawa ng isa’t isa. Wala namang personalan do’n. Kung nire-require naman ng eksena gawin ‘yon, siyempre, ‘pag maselan, pinag-uusapan naming mag-asawa bago gawin,” paliwanag ni Dennis.

Sey ni Jen, siya na mismo ang nagbigay ng limitasyon sa sarili niya dahil nga may asawa na siya at dalawang anak.

“Saka ‘yung script, nakukuha namin agad. ‘Pag nabasa namin, parang ‘di na ako ‘to.’ Parang dati kaya ko pa ‘to pero ngayon, parang ‘di ko na yata kayang mag-topless,” sey ng aktres.

Napag-usapan nila ang bagay na ito dahil nga sa reunion film nilang mag-asawa na “Everything About My Wife” ay makikita sa trailer na may kilig scenes si Jen at ang co-star nilang si Sam Milby.

Natanong ni Ogie si Jen kung may kissing scene ba sila ni Sam sa movie at biting sagot ng aktres, “Kailangan nilang manood para malaman.”

Showing na sa mga sinehan ang “Everything About My Wife” bukas, Feb. 26.