Jennylyn mercado

Jennylyn nagsalita na sa isyung lilipat siya

Vinia Vivar Jul 20, 2024
56 Views

NAGSALITA na si Jennylyn Mercado tungkol sa isyung llilipat siya ng ibang network at lalayasan na niya ang kanyang mother station na GMA-7.

Nilinaw ng Kapuso Ultimate Star ang issue sa kanyang engrandeng launching/contract signing bilang pinakabagong ambassador ng Beautederm na ginanap kahapon sa Solaire Hotel, Quezon City.

“Ang daming nag-aantay ng sagot na ‘lilipat ba?’ ganyan. Ako naman po, eh, 20years na po akong Kapuso and I’m very thankful na hanggang ngayon po, eh, ako po ay Kapuso pa rin,” aniya.

Hinihintay na lang nila ang kanyang kontrata na, hopefully, ay ma-finalize na.

“Mayroon pong mga nine-nego (negotiate) pero mabilis na lang po ‘yan. We’re just waiting for the contract pero happy pa rin ako na maging Kapuso basta gusto pa rin nila ko, ‘di ba?” she said.

Nilinaw din ni Jen na wala talagang naging offer sa kanya from other networks.

Asked kung freelancer siya ngayon, she answered, “Yes po.”

Natanong nga rin sa aktres ang tungkol naman sa pagkaka-hack ng TikTok account ng mister niyang si Dennis Trillo.

“Nasa pictorial ako ng Beautederm no’n, sabi ko, ‘anon’g nangyari?’ ‘Yung management ko ang nagsabi sa akin. Sabi ko, imposibleng mangyari ‘yan. Sabi ko, hindi si Dennis ‘yan, hindi siya ganu’n. Sa tagal naming magkasama, sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanya, hindi siya ganu’n,” pagtatanggol ni Jen sa hubby.

“Ang advice ko na lang sa kanya, ‘hirapan mo nga ‘yung password mo!” natatawa niyang dagdag.

Samantala, two years ago pa pala siya kinukuha ng Beautederm para maging endorser.

Pero nagkataong nabuntis ang aktres sa first baby nila ni Deniss kaya na-delay ito.

Kaya naman masayang-masaya si Jen at ang CEO ng Beautederm na si Rhea Anicoche-Tan na finally ay natuloy na ang kanilang pagsasama.

Si Jennylyn ang official ambassador ng newest facial care ng Beautederm na ThreemendousTRIO serums — the Cristaux Vitamin C, Cristaux Hydra Beauty at Cristaux Retinol.