Rosmar Larawan: Rosmar Tan /FB

Jerome, Rosmar Tan, naglampungan sa Korea

183 Views

“Saving memories,” ika nga para sa social media personality at aktres na si Rosmar Tan Pamulaklakin, matapos ito magbakasyon sa Seoul South Korea kasama ang partner nito na si Jerome Pamulaklakin at kanilang anak.

Sa kanyang Facebook post, Huwebes, Nobyembre 30, in-upload ni Rosmar ang masayang selebrasyon para sa kanilang anniversary.

“Saving memories 🥺🥰😍❤️. Hindi magsasawang gumawa ng magagandang memories ng ikaw at ikaw ang kasama,” caption nito sa FB kalakip ang larawan ng kanilang tukaan at landian sa isang kilalang pasyalan sa nasabing bansa.

“Sana all,” naman ang karamihan sa naging tugon ng ilang taga-hanga ni Rosmar.

Narito pa ang komento ng netizens:

“So sweet naman sending love iba talaga pag Rosmar pinakamalakas.”

“I’m so happy idol na makita kitang masaya. bawal ma-stress idol ha. Enjoy lang palagi ang life.